Share the post "Ikaw Ba Ay Isang Kasambahay? Mga Payo Para Sa Mga Kababayan Nating Domestic Worker (kasambahay) sa Hong Kong."

via Amnesty International
Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang isang domestic helper dito sa Hong Kong at may kwento o karansan, masaya man o malungkot na gustong ipamahagi sa publiko. O di kaya nama ay isang mas komplikadong isyu na nais nyong maipamahagi sa media? Maari nyo po kaming i-contact dito at tignan ang aming kasapi Stories Beyond Borders na tumutulong din na maikwento and sitwasyon at kalagayan ng mga kapwa domestic helpers dito sa Hong Kong. (Kung pipiliin, ay maaari rin naman na hingin na maitago ang pagkakakilanlan— upang maiwasan ang pag-aalala ukol sa inyong trabaho o pinapasukan)
HUMINGI NG TULONG
Ang HK helper campaign ay hindi tumutulong sa mga nanganganib o namu-mrublema sa trabaho. Ngunit kung ikaw o ang iyong kakilala ay nangangailangan maari nyo po itong ipahatid sa mga organisasyong nakatala sa ibaba…
IMPORTANTING NUMERO PAG KAYO AY NANGANGAILANGAN
- Pulisya ng Hongkong: I-dial o tawagan ang 999 kapag nangangailangan sa gitna ng panganib o aksidente. Pindutin ito para sa numero ng inyong lokal na pulisya.
- Para sa mga legal na payo: Makipagugnayan ho sa numerong 2523-4020 o e-mail na hdh@stjohnscathedral.org.hk o di kaya sa Christian Action Ethnic Minorities & Domestic Worker Programme: 2739-6193 o e-mail domhelp@christian-action.org o ang Jabez Counselling: Hanapin si Ms. Clara Ho sa numero 9830 8324 o di kaya ay sa pamamagitan ng e-mail info.hkscp.org o kung di kaya naman ay ikaw mismo ang nakakaramdam ng nais na pananakit sa sarili, ang The Samaritans ay 24 na oras na bukas para sa kahit anong krisis at nakakaintindi ng iba’t ibang salita upang maagapan ang pagpapakamatay o pagsakit sa sarili.
- Para sa iyong patnubay kung ika’y inabuso o nabiktima ng pagkakalakal ng tao, kontakin lamanag ang Liberty Asia’s Multilingual Victim Crisis Centre Emergency Hotline para sa mga nabiktima ng pangaabuso/pangangalakal ng tao: 2100 3300
- Kung payo o gabay naman po ang pangangailangan bilang naging biktima ng pangaabuso at human trafficking maaring makipag ugnayan sa Bethune House Migrant Women’s Refuge: 2721-3119 or email bethunehouse86@gmail.com
- Para sa payo sekswal na karahasan, makipagugnayan o tumawag sa Rainlily/ACSVAW: 2392-2569 or mag e-mail sa csvaw@rainlily.org.hk or enquiry@rainlily.org.hk OR i-contact ang Anti-480 Anti Sexual Violence Resource Centre sa mga numerong 2625-4016 o impormasyon sa @anti480.org.hk
- Para sa payo at suporta patungkol sa financial o gastusin, tumawag sa Enrich sa numero: 56480990 : 5648-0990, email info@enrichhk.org or attend one of their financial planning workshops.
- Para sa payo at suporta kung nagaalala patungkol sa pagbubuntis o nakapanganak na sa Hong Kong at ngangangamba pa ukol sa visa o trabaho o di kaya ay nasobrahan sa pananatili dahil sa bata, maaring tumawag sa Pathfinders: 5190-4886 or email info@pathfinders.org.hk
- Para sa patunkol sa inyung contrata tumawag sa Hong Kong Labour Department sa numero: 27171771.
- Para sa immigration issues, tumawag sa Hong Kong Immigration Department sa numero:28246111
- Para sa tulong kaugnayan sa Hong Kong government services tumamawag sa Government Residents Hotline :1868.
- Para sa listahan ng ibang Hong Kong Foreign Helper NGOs, charities at iba pang sumosuportang grupo.
- Panatilihin tingnan ang kaganapan at sundan sa facebook ang mga sumusunod : Helpers for Domestic Helpers, Bethune House, ACSVAW, HK Women’s Workers Association, Mission for Migrant Workers, FADWU, Open Door, Christian Action, Pathfinders and HK Helpers Campaign.
ANG INYUNG CONSULADO
Para sa assistance mas epektibong tumawag keysa mag e-mail…
- Makipag ugnayan sa Philippines consulate: 2823-8501 or email hongkongpc@philcongen-hk.com Emergency numbers (holiday & after 6pm): 9155-4023 (consulate) or 6080-8323 (Labour) or 6345-9324 (Overseas Workers Welfare Administration).
ANG INYUNG KARAPATAN
- Intindihin: i- Download a manual galing sa Helpers for Domestic Helpers (English, PDF) para matunulungan kang maunawaan at malaman ang iyong mga karapatan bilang isang normal na residente ng Hong Kong at kasama ang gabay na ito na galing sa Civil Liberties Union. Maaari rin na magaral tungkol sa pagpaplano sa pinansyal at pangkabuhayan sa pag dalo sa Enrich workshop.
- Pagabuso: Karamihan sa mga employer ay makatarungan ngunit ang ilan ay may kakayanan parin na mang abuso o manlamang sa mga domestic helper.Alamin ang karapatan at huwag hayaan na maabuso ang sarili kunan ng larawan, itala ang araw, oras at lugar— mangangailan din ng pruheba ng pangaabuso. Itago at ingatan ang mga medical treatments, records at resibo.
- Pulisya: Tumawag sa pulis kung ikaw ay napagtatangkaan o di kaya ay na abuso sa ng pisikal o sekswal. Magtanong sa pulisya ng reference number at basahin ng mabuti ang mga pahayag ng pulis bago ito pirmahan. Humingi ng tulong sa iyong lengwahe at mga dokumento. Huwag na huwag kang magiimbento ng kwento (tulad ng oras o mga araw) kung hingi ito maalala. Wag kang aamin sa kahit anong bagay na hindi mo naman ginawa. Kumuha ng kopya ng kahit anong pinirmahan— ito ay iyong karapatan. Humanap ng tulong at magreklamo kapag ikaw ay ipinag-sa-walang-bahala o hindi pinansin ng pulisya.
- Sweldo: Lahat ng dayuhan na domestic worker na nananatili sa Hong Kong ay dapat ma-swelduhan ng hindi bababa sa HK$4,010 kada buwan (kung ang kontrata ay napirmahan pagkatapos ng oktubre taong 2013).
- ATM cards: Kung ang iyong pinapasukan ay nag pasyang itago ang iyong ATM card tumawag sa banko upang ito ay maipa-cancel at mapalitan ng bago. Magbasa pa.
- Kakulangan sa bayad: Huwag pumirma ng resibo na di saktong naipapakita ang tamang halagang ibinigay sa iyo. Lalong huwag pipirma ng blankong resibo. Laging mag tala ng iyong mga sweldo sa nakaraang mga buwan kahit na wala kang resibo. Magbasa pa.
- Mga Araw Ng: dapat ikaw ay mayroong isang, buong 24-oras na day off sa bawat 7 araw. Dapat ikaw ay mayroong 12 araw na day off sa bawat taon kahit na sa Hong Kong statutory holidays (pindutin para sa mga date para sa 2014). Hindi ka dapat mapilitan na magtrabaho ng day off, ngunit maari ka parin na magkusa, kung ito ay gugustuhin.
- Bakasyon: Dapat ikaw ay makakuha ng taunang 7 araw na pahinga sa trabaho ngunit may sweldo, para sa una at pangalawang taong mo sa Hong Kong. Habang tumatagal ay dumadami pa ang mga araw hanggang umabot sa limitasyon na 14 na araw sa isang taon.
- Pagtutulungan at pagkain: Ikaw ay dapat mayroong maayos at matinong pinananatilihan, may libreng pagkain o pera para sa pag kain na hindi bababa sa HK$920 (para sa mga kontrata na napirmahang pagkatapos ng Oktubre taong 2013. Ito ay idinadagdag sa iyong sweldo).
- Pangangailangang Medikal: Dapat ikaw ay may mga libreng medical na suporta at gamot.
- Air Ticket: Dapat ikaw ay mabigyan ng librang air ticket patungo sa iyong pinanggalingang bansa (o pera pambili ng ticket) bago matapos ang kahit anong kontrata.
- Pagbubuntis: Kung ikaw ay nabuntis, iligal para sa iyong pinagtatrabahuhan na ikaw ay sisantihin. Sa karamihan ng sitwasyon ikaw ay dapat mayroong 10 linggo na pahinga sa trabaho ng may sweldo dahilan ng pagbubuntis. Para sa karagdagang impormasyon i- Contact Pathfinders
- Ahensya sa Hong Kong: Kung ikaw ay sinisingil ng Hong Kong agency ng hihigit pa sa HK$401 para makahanap ng bagong mapagtatrabahuhan, sila ay sumusuway na sa batas (kung ang kontrata mo ay napirmahan matapos ang Oktubre taong 2013). Magbasa pa.
- http://hkhelperscampaign.com/wp-admin/postAhensya%20sa%20Pilipinas.php?post=490&action=edit: Kung ikaw ay Pilipino at ang iyong ahensya ay sumingil ng placement fee commission, ay maaring sila ay sumusuway sa batas. Pero pwede silang maningil para sa training, examination, photo, video at iba pang pangangailangan at gastusin. Magbasa pa.
- Ang iyong mga pag-mamayari o Passport: Bawal na bawal kumpiskahin ng iyong amo ang iyong telepono, passport, kontrata or dokumento. Magtabi ng kopya ng mga importanteng dokumento. Magbasa pa.
- Trabaho sa labas ng bahay: Ito ay ipinagbabawal sa batas na ikaw ay magtrabaho sa kahit saan pa man kundi ang address na nakasaad sa napagkasunduang kontrata. Hindi ka pwedeng mamasukan sa iba, magnegosyo o gumawa ng hindi domestic na gawain. Kapag nasuway ay pwedeng mauwi sa pagkakakulong o pagkakadeport kaya at sabihan agad ang Immigration Department sa lalong madaling panahon (mga impormasyon para sila ay makausap ay nasa itaas). Magbasa pa.
GOVERNMENT GUIDES
Guides galing sa Hong Kong Department.
- Practical guide para employer at foreign domestic helpers
- Dayuhan na domestic helpers na nasa ilalim ng kapakanan at proteksyon ng Employment Ordinance
- Importanting notes para sa foreign domestic helpers na gamit ang employment agenscies.
Kindly translated by Michael Bautista & Mikey Andres
Share the post "Ikaw Ba Ay Isang Kasambahay? Mga Payo Para Sa Mga Kababayan Nating Domestic Worker (kasambahay) sa Hong Kong."