Ikaw Ba Ay Isang Kasambahay? Mga Payo Para Sa Mga Kababayan Nating Domestic Worker (kasambahay) sa Hong Kong. 10


MOYeNM0l.png (640×210)

via Amnesty International

Click here for English.

Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang isang domestic helper dito sa Hong Kong at may kwento o karansan, masaya man o malungkot na gustong ipamahagi sa publiko. O di kaya nama ay isang mas komplikadong isyu na nais nyong maipamahagi sa media? Maari nyo po kaming i-contact dito at tignan ang aming kasapi Stories Beyond Borders na tumutulong din na maikwento and sitwasyon at kalagayan ng mga kapwa domestic helpers dito sa Hong Kong. (Kung pipiliin, ay maaari rin naman na hingin na maitago ang pagkakakilanlan— upang maiwasan ang pag-aalala ukol sa inyong trabaho o pinapasukan)

HUMINGI NG TULONG

Ang HK helper campaign ay hindi tumutulong sa mga nanganganib o namu-mrublema sa trabaho. Ngunit kung ikaw o ang iyong kakilala ay nangangailangan maari nyo po itong ipahatid sa mga organisasyong nakatala sa ibaba…

IMPORTANTING NUMERO PAG KAYO AY NANGANGAILANGAN

  • Pulisya ng Hongkong: I-dial o tawagan ang 999 kapag nangangailangan sa gitna ng panganib o aksidente. Pindutin ito para sa numero ng inyong lokal na pulisya.
  • Para sa mga legal na payo: Makipagugnayan ho sa numerong 2523-4020 o e-mail na hdh@stjohnscathedral.org.hk o di kaya sa Christian Action Ethnic Minorities & Domestic Worker Programme: 2739-6193 o e-mail domhelp@christian-action.org o ang Jabez Counselling: Hanapin si Ms. Clara Ho sa numero 9830 8324 o di kaya ay sa pamamagitan ng e-mail info.hkscp.org o kung di kaya naman ay ikaw mismo ang nakakaramdam ng nais na pananakit sa sarili, ang The Samaritans ay 24 na oras na bukas para sa kahit anong krisis at nakakaintindi ng iba’t ibang salita upang maagapan ang pagpapakamatay o pagsakit sa sarili.
  • Para sa iyong patnubay kung ika’y inabuso o nabiktima ng pagkakalakal ng tao, kontakin lamanag ang Liberty Asia’s Multilingual Victim Crisis Centre Emergency Hotline para sa mga nabiktima ng pangaabuso/pangangalakal ng tao: 2100 3300
  • Kung payo o gabay naman po ang pangangailangan bilang naging biktima ng pangaabuso at human trafficking maaring makipag ugnayan sa Bethune House Migrant Women’s Refuge: 2721-3119 or email bethunehouse86@gmail.com
  • Para sa payo sekswal na karahasan, makipagugnayan o tumawag sa Rainlily/ACSVAW: 2392-2569 or mag e-mail  sa csvaw@rainlily.org.hk or enquiry@rainlily.org.hk OR i-contact ang Anti-480 Anti Sexual Violence Resource Centre sa mga numerong 2625-4016 o impormasyon sa @anti480.org.hk
  • Para sa payo at suporta patungkol sa financial o gastusin, tumawag sa Enrich sa numero: 5648­0990 : 5648-0990, email info@enrichhk.org or attend one of their financial planning workshops.
  • Para sa payo at suporta kung nagaalala patungkol sa pagbubuntis o nakapanganak na sa Hong Kong at ngangangamba pa ukol sa visa o trabaho o di kaya ay nasobrahan sa pananatili dahil sa bata, maaring tumawag sa Pathfinders: 5190-4886 or email info@pathfinders.org.hk
  • Para sa patunkol sa inyung contrata tumawag sa Hong Kong Labour Department sa numero: 2717­1771.
  • Para sa immigration issues, tumawag sa Hong Kong Immigration Department sa numero:2824­6111
  • Para sa tulong kaugnayan  sa Hong Kong government services tumamawag sa Government Residents Hotline :1868.
  • Para sa listahan ng ibang Hong Kong Foreign Helper NGOs, charities at iba pang sumosuportang grupo.
  • Panatilihin tingnan ang kaganapan at sundan sa facebook ang mga sumusunod : Helpers for Domestic HelpersBethune HouseACSVAWHK Women’s Workers AssociationMission for Migrant WorkersFADWUOpen DoorChristian ActionPathfinders and HK Helpers Campaign.

ANG INYUNG CONSULADO

Para sa assistance mas epektibong tumawag keysa mag e-mail…

  • Makipag ugnayan sa Philippines consulate: 2823-8501 or email hongkongpc@philcongen-hk.com Emergency numbers (holiday & after 6pm): 9155-4023 (consulate) or 6080-8323 (Labour) or 6345-9324 (Overseas Workers Welfare Administration).

ANG INYUNG KARAPATAN

  • Intindihin: i- Download a manual galing sa Helpers for Domestic Helpers (English, PDF) para matunulungan kang maunawaan at malaman ang iyong mga karapatan bilang isang normal na residente ng Hong Kong at kasama ang gabay na ito na galing sa Civil Liberties Union. Maaari rin na magaral tungkol sa pagpaplano sa pinansyal at pangkabuhayan sa pag dalo sa Enrich workshop.
  • Pag­abuso: Karamihan sa mga employer ay makatarungan ngunit ang ilan ay may kakayanan parin na mang abuso o manlamang sa mga domestic helper.Alamin ang karapatan at huwag hayaan na maabuso ang sarili kunan ng larawan, itala ang araw, oras at lugar— mangangailan din ng pruheba ng pangaabuso. Itago at ingatan ang mga medical treatments, records at resibo.
  • Pulisya: Tumawag sa pulis kung ikaw ay napagtatangkaan o di kaya ay na abuso sa ng pisikal o sekswal. Magtanong sa pulisya ng reference number at basahin ng mabuti ang mga pahayag ng pulis bago ito pirmahan. Humingi ng tulong sa iyong lengwahe at mga dokumento. Huwag na huwag kang magiimbento ng kwento (tulad ng oras o mga araw) kung hingi ito maalala. Wag kang aamin sa kahit anong bagay na hindi mo naman ginawa. Kumuha ng kopya ng kahit anong pinirmahan— ito ay iyong karapatan. Humanap ng tulong at magreklamo kapag ikaw ay ipinag-sa-walang-bahala o hindi pinansin ng pulisya.
  • Sweldo: Lahat ng dayuhan na domestic worker na nananatili sa Hong Kong ay dapat ma-swelduhan ng hindi bababa sa HK$4,010 kada buwan (kung ang kontrata ay napirmahan pagkatapos ng oktubre taong 2013).
  • ATM cards: Kung ang iyong pinapasukan ay nag pasyang itago     ang iyong ATM card tumawag sa banko upang ito ay maipa-cancel at mapalitan ng bago. Magbasa pa.
  • Kakulangan sa bayad: Huwag pumirma ng resibo na di saktong naipapakita ang tamang halagang ibinigay sa iyo. Lalong huwag pipirma ng blankong resibo. Laging mag tala ng iyong mga sweldo sa nakaraang mga buwan kahit na wala kang resibo. Magbasa pa.
  • Mga Araw Ng: dapat ikaw ay mayroong isang, buong 24-oras na day off sa bawat 7 araw. Dapat ikaw ay mayroong 12 araw na day off sa bawat taon kahit na sa Hong Kong statutory holidays (pindutin para sa mga date para sa 2014). Hindi ka dapat mapilitan na magtrabaho ng day off, ngunit maari ka parin na magkusa, kung ito ay gugustuhin.
  • Bakasyon: Dapat ikaw ay makakuha ng taunang 7 araw na pahinga sa trabaho ngunit may sweldo, para sa una at pangalawang taong mo sa Hong Kong. Habang tumatagal ay dumadami pa ang mga araw hanggang umabot sa limitasyon na 14 na araw sa isang taon.
  • Pagtutulungan at pagkain: Ikaw ay dapat mayroong maayos at matinong pinananatilihan, may libreng pagkain o pera para sa pag kain na hindi bababa sa HK$920 (para sa mga kontrata na napirmahang pagkatapos ng Oktubre taong 2013. Ito ay idinadagdag sa iyong sweldo).
  • Pangangailangang Medikal: Dapat ikaw ay may mga libreng medical na suporta at gamot.
  • Air Ticket: Dapat ikaw ay mabigyan ng librang air ticket patungo sa iyong pinanggalingang bansa (o pera pambili ng ticket) bago matapos ang kahit anong kontrata.
  • Pagbubuntis: Kung ikaw ay nabuntis, iligal para sa iyong pinagtatrabahuhan na ikaw ay sisantihin. Sa karamihan ng sitwasyon ikaw ay dapat mayroong 10 linggo na pahinga sa trabaho ng may sweldo dahilan ng pagbubuntis. Para sa karagdagang impormasyon i- Contact Pathfinders
  • Ahensya sa Hong Kong: Kung ikaw ay sinisingil ng Hong Kong agency ng hihigit pa sa HK$401 para makahanap ng bagong mapagtatrabahuhan, sila ay sumusuway na sa batas (kung ang kontrata mo ay napirmahan matapos ang Oktubre taong 2013). Magbasa pa. 
  • http://hkhelperscampaign.com/wp-admin/postAhensya%20sa%20Pilipinas.php?post=490&action=edit: Kung ikaw ay Pilipino at ang iyong ahensya  ay sumingil ng placement fee commission, ay maaring sila ay sumusuway sa batas. Pero pwede silang maningil para sa training, examination, photo, video at iba pang pangangailangan at gastusin. Magbasa pa.
  • Ang iyong mga pag-mamayari o Passport: Bawal na bawal kumpiskahin ng iyong amo ang iyong telepono, passport, kontrata or dokumento. Magtabi ng kopya ng mga importanteng dokumento. Magbasa pa.
  • Trabaho sa labas ng bahay: Ito ay ipinagbabawal sa batas na ikaw ay magtrabaho sa kahit saan pa man kundi ang address na nakasaad sa napagkasunduang kontrata. Hindi ka pwedeng mamasukan sa iba, magnegosyo o gumawa ng hindi domestic na gawain. Kapag nasuway ay pwedeng mauwi sa pagkakakulong o pagkakadeport kaya at sabihan agad ang Immigration Department sa lalong madaling panahon (mga impormasyon para sila ay makausap ay nasa itaas). Magbasa pa.

GOVERNMENT GUIDES

Guides galing sa Hong Kong Department.

  • Practical guide para employer at foreign domestic helpers
  • Dayuhan na domestic helpers na nasa ilalim ng kapakanan at proteksyon  ng Employment Ordinance
  • Importanting notes para sa foreign domestic helpers na gamit ang employment agenscies.

divider.png (250×50)

Kindly translated by Michael Bautista & Mikey Andres

  • Roxane Nolasco Rapal

    Just want to ask if theres a way for helpers to complain about working hours? Any opinion?

  • Lynn Tot

    Ako po ay humihingi ng payo sapagkat ako ai naguguluhan..my isang groupo na nag yaya sa akin sumali ako sa knilang investment tinatawag na paluwagan ito ang ang BEST AND REAL ONPAL dito ai kikita kuno ngayun sumali ako nung umpisa ok pa ang takbo ng kitaan kalaonan humina at ang nangyari lagi kami pinapa entry kung baga pasok kami ng pasok ng pera at wala nalabas na pera hindi na maganda nag daloy puros kami pasok ng pera wala pa bumabalik sa amin at ang sabi ng kng di kami mag reentry ng panibago di nla e rerelease ang pero so ganun na nga… Ngaun po paiba iba na sinasabi ng founder so nag deside akong mag stop na at kc magulo na kc lagi nlng kami napasok ng pero wala nmn bumabalik. Ngaun nag ok ung founder kc hirap daw pilitin ang ayaw.. Maaus ako nag paalam ts ngaun araw na ito releasan ng pera bigla sabi sa akin kailangan ko mag provide ng another entry bago mabalik un pera sabi ko di nga po ako mag
    papatuloy bat pa kylangan ko mag provide at wala cla sinasabi ganun dati ngaun lng.. At hold nla un pera ko… Ako po humihingi ng tulong o payu kungsakali ba anu dapat gawin kc pinipilit po nla ako mag pasok muna ulit ng panibago pera bago ko mkuha un pera ko eh ….hndi po kc nadadala sa mgandang usapan cla kaya nais ko po sana maibalik un pera ko. Asahan ko po maraming salamat.

  • Arlene

    Hingi po ako helo..ung passport ko po hinold agency
    ..nid ko dw cla muna byaran ng abot 40k pesos..nung unang sweldo ko po…pingbyad ako…ala mn lng po resibo…alng ktibyan…sna po help nio ako..unang buwan ko pa lng po…arlene t. Bonilla po name ko..dh sa hk…sa metro city plaza po lam po address ko

  • Cecilia Manalo

    Pwede ko po ba ereklamo itong manugang ng amo ko para siya ang amo ko kung umasta ang hirap pakisamahan noon lahat ginagawa ko para sa kanila tinutulungan ko siya mag alaga sa anak niya kung papasok siya sa gabi okay lang yon sa akin hindi ako nanghihingi ng dagdag sweldo kahit na alam ko hindi ko yon priority na bantayan anak niya at ang ayaw ko sa kanya malapit na ako matapos sa kontrata ko tubig pa rin ang pinag aawayan namin sumunod ako sa gusto nila na lima at anim na araw ako noon maglaba ng damit namin ni popo pero may reklamo pa rin bakit daw laki ng bill eh siya po araw araw po siyang naglalaba sa mga damit nila noon tinutulungan ko pa yan magsampay sa mga damit nila at iligpit. Ang ayaw ko lang po sa kanila ay yong ambaan ako ng upuan at gusto ako paluin ng upuan ng kanyang anak na dalaga kung tutuusin hindi naman sana sila kabilang sa bahay na ito dahil si popo lang dapat ang aalagaan ko ano po ang nararapat sa kanila? Salamat po

  • albert cariazo

    hihingi po Sana ako ng payo Kong magandang gawin kc ang asawa KO n NASA hongkong ngayon naterminate mag two two weeks palang siya sa hongkong ang tanging dahilan ng amo ay nkapatong ang paa nia at nagbabasa tenerminate n please any suggestion need help LNG po

    • shin asoque

      wawa naman

  • Romalyn Aclan

    Pa advice po namn bago pa lang me dto sa hongkong bale mag three months na sa aug. 25…ganito po kc nagbreak ako sa amoko kadahilanan naaksidente anakko…ngayon nd po ako pinayagan pero naka pag one month notice na ako nung july 2…ngayon kinausap ako agency ko if kaya k pa kahit isang biwan at dami pa iba sinabi…sabi k lng decide na ako uwi kc wala alaga sa anako po…nd pa rin ako pyagan amo ko dami po sinasabi na dahilan..pinipilit ko pa rin uwi nung katapusan ng july pero nakiusap ulit sabi sa msg. Po dagdagan niya sahod ko1k$ po..hnggng oct. Daw habng anty ko kapalit ko….npast days binigay po ung last 5 days sahod ko at sinabi sa akin na simula ng aug. Daw wala na me off pagkasabi ganun nd ako nakaimik at napa isip kaya past days po tanong ako eh paano poung sunday if wala me off babayaran mo parin ba kako sa amo k sabi niya hnd daw…
    Ano po ba dapat ko gawin
    Sana mapauyhan niyo po ako….
    Gusto k na umuwi this end of month kawawa po ung baby ko wala alaga
    Salamat po
    Isa po pala hini rin maliwanag sahod k ng june po bingay niya 4741$ srart me may 26 work sa amo ko hngng kataupsan n po un ng june isang beses lbg me naka off po…
    Help advise po

  • nida fuertes

    hello po…may problema po ako dati ako ngwrk sa hk as dh..last march 2015 tapos na terminate ako after 4 mos kasi nahospital ako mga june tas pagka july nung magaling na ako tenerminate ako nang amo ko..ater that naka apply uli ako nkhnap nang isang amo tapos terminated ako uli kc siniraan ako sa kasma kong pinay by that time na terminate ako sinukatan ung copy nang contract ko sa amo ko..ang tanong ko po pwede pa ba ako mkblik sa hk?panu ko mllman na pinablacklist ako sa amo ko o wala..pls help…waiting for ur answer

  • Mie Mie

    Itatanong ko lang po kasi matatapos na kontrata ko sa may 15,2019 so hanggang ngaun wla padin binabanggit si amo kung irerenew nla ako oh hindi. Kya nghanap n ako ng bagong amo…. 4years na po ako kina amo meron po ba akong makukuhang severance fee sa kanila or wala? Ty po s sasagot

  • Chi

    Hello po hingi po sana ako ng payo kasi my kaibigan po ako nangutang sa akin ng malaking halaga ngaun hnd na po sya nag kokontak sa akin tpos pinapuntahan ko sa bahay nila sabi ng nanay nya wla dw sya dun sa kanila nasa maynila po sya tpos tinatanong ko boyfriend nya ayaw nmn magbigay ng impormasyon. Pinatawag na rin po namin nanay nya sa baranggay at hnd nmn po kmi mka file ng blotter kasi dw dito dw nangyari sa hk. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat